top of page
Graphic Design.png
GINTONG TALENTO 
POSTER DIGI PUB (1080 x 1080 px).png

New Release

INSTRUMENTO

Hannah Aguilar and Princess Evamae Manacho

Tunog ng nag lalagay sa plastic ng mga pagkain.

 

BATA

Para san yan, ma? 

NANAY

Ibibigay ko sa kapitbahay, anak. Para may nakakain sila kahit papano. 

BATA

Lagi mo nalang binibigyan ng pera at pagkain yung mga yun, ma. 

 

NANAY

‘Nak, kung kaya natin tumulong— 

 

BATA

Hindi po ba namimihasa na sila? Lagi nalang pupunta dito pag may kailangan. 

 

NANAY

Anak, hindi ba pag may kailangan tayo nanghihingi rin tayo sa Diyos? Ano kaya ang pakiramdam kung sabihin niya satin na ayaw Niya tayong tulungan dahil parati ang pag hingi natin? Mahal tayo ng Diyos kaya binibigyan Niya tayo ng biyaya. At dahil mahal din natin Siya, dapat magbahagi tayo sa kapwa natin. Malay mo, anak, may hinihingi sila sa Diyos at tayo ang ginagamit Niya para tuparin ang panalangin nila.

istockphoto-1128254585-170667a.jpeg
bottom of page